MANILA, Philippines- Malabong magiba ng China ang magandang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Ang katuwiran ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez, sobrang solido ng relasyon ng Pilipinas sa Estados Unidos na nakita naman sa nakalipas na taon.
“Actually, that’s the whole problem with China. They are trying to put a wedge between our relationship with the United States. That’s never going to happen, not in (a) million years,” ayon kay Romualdez sa isang panayam.
“Our relationship with the United States is very solid. I think that we have seen that happen in many many years. We had issues with them in the past, we had some differences, but end of the day magkasama pa rin tayo,” dagdag na wika nito.
Pinalagan naman ni Romualdez ang sinabi ng China na walang karapatan ang Estados Unidos, isa sa “oldest treaty ally” ng Pilipinas na makialam sa usapin ng West Philippine Sea.
“Hindi naman sila nakikisali. They are our allies. They are our number 1 allies. We have a mutual defense treaty with the United States. So, they are simply stating a fact that they are to protect an ally like the Philippines,” ayon kay Romualdez.
Tinukoy nito ang 1951 Mutual Defense Treaty, may mandato na maaaring lumapit ang dalawang bansa sa isa’t isa para magtulungan sa mga pagkakataon na mayroong external attack.
Nauna rito, sinabi ni US President Joe Biden na pwedeng ipanawagan ang tratado kapag mayroong anumang pag-atake sa “Philippine aircraft, vessels, at armed forces.
Winika ni Romualdez na ang Estados Unidos ay “not the only country that is concerned about what’s happening in our area.”
“You have many countries. In fact, there are 17 countries that have already indicated and said publicly supporting the Philippines’ position,” dagdag na wika nito.
May ilang bansa kabilang na ang Estados Unidos, Canada, United Kingdom, Japan, Australia, Germany, Netherlands, at European Union, ang nagpahayag ng kanilang alalahanin sa pinakabagong banggaan sa pagitan ng China Coast Guard (CCG) at Philippine vessels sa bisinidad ng Ayungin Shoal, na matatagpuan sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.
Ang naturang banggaan ang dahilan kung bakit binigyang diin ng Estados Unidos na pagtibayin ang commitment para ipagtanggol ang Pilipinas, labis na ikinagalit naman ng Beijing na nakikita ito bilang pakikisawsaw sa regional matter. Kris Jose