PH volleyball star, lusot sa COVID-19

PH volleyball star, lusot sa COVID-19

May 22, 2020 @ 9:36 AM 6 days ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Masayang ibinalita ni Pinoy volleyball star Bryan Bagunas na negatibo ang resulta ng COVID-19 swab test na isinagawa sa kanya bilang health protocol ng bansa matapos itong umuwi mula Japan.

Ayon kay Bagunas, lumabas ang kanyang swab test sa loob ng anim na araw matapos suriin pagkagaling sa Japan bilang mandatory test ng bansa kaugnay sa paglaban sa corona virus.

Agad din nitong pinuri at pinasalamatan sina deputy chief implementer ng national policy against COVID-19 Vince Dizon, Dept. of Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat at Philippine Sports Commission chairman William Ramirez.

Matatandaang naglaro bilang import si Bagunas sa Oita Miyoshi Weiss Adler sa Japan V. Premier League.

Matapos ang  mandatory COVID-19 swab testing kay Bagunas, pansamantalang itong pinatira sa isang hotel sa Quezon City habang hinihintay ang resulta ng swab test.

Plano umano ni Bagunas na bumalik sa Japan sa Agosto o Setyembre. Rico Navarro

Share

Leave a Reply

Loading...