Home NATIONWIDE PH voters’ registration sa Israel, suspendido

PH voters’ registration sa Israel, suspendido

MANILA, Philippines- Sinuspinde ng Commission on Elections (Comelec) kamakailan ang national and local elections (NLE) voter registration para sa mga Pilipino sa Israel sa gitna ng giyera sa pagitan ng Israeili forces at Hamas.

“Nag-desisyon na kanina ang en banc na sinuspend na po natin ang registration ng mga kababayan natin sa Israel, ayaw po nating i-sakripisyo ang kanilang buhay, ang kanilang safety,” paglalahad ni Comelec Chairperson George Erwin Garcia.

Ayon pa sa kanya, mas mainaw na huwag munang magtungo ang mga Pilipino sa Philippine Embassy para magparehistro para sa kanilang kaligtasan.

“Indefinite po iyong suspension na iyan, (pero) wala pa naman tayong pinag-iisipan kung mag-e-extend po tayo. Ang importante, protektado at nasa maayos na kalagayan iyong mga kababayan natin,” ayon kay Garcia.

Isinailalim ang Israel sa Alert Level 2 na nanganghulugang restrictedna ang deployment ng Filipino workers, batay sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa nasabing kaguluhan, tatlong Pilipino ang kumpirmadong nasawi mula sa anim na napabalitang nawawala. Base sa DFA, may 25,000 Overseas Filipino Workers at turista ang nasa Israel nang muling sumiklab ang kaguluhan. RNT/SA

Previous articleImee dumepensa sa bintang na ‘historical revisionism’ sa pagtanggal sa EDSA anniv bilang holiday
Next articleMichelle, nasa top 10 sa fan votes!