Home NATIONWIDE PH wildlife rescue center gagawing world-class ng DENR!

PH wildlife rescue center gagawing world-class ng DENR!

MANILA, Philippines – UPANG pangalagaan at maisaayos ang wildlife resources ng bansa, plano ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na gawing isang world-class facility ang National Wildlife Rescue and Research Center (NWRRC) upang mapalakas ang kakayahan nitong pangalagaan ang wildlife resources.

Ang planong ito ay batay na rin sa hangarin ng DENR na mapalakas ang biodiversity conservation.

“We will enhance, upgrade and redesign the [NWRRC] so it can be brought up to global standards,” saad ni DENR Secretary Antonia Loyzaga.

Ayon kay Loyzaga, bubuo ang DENR ng advisory group na kinabibilangan ng biodiversity experts upang mapalakas ang NWRRC bilang bahagi ng pangkalahatang programa upang mapabuti ang kapasidad ng bansa na mapangalagaan at maproteksiyunan ang wildlife species at ang kanilang tahanan at upang malabanan ang illegal wildlife trade at iba pang wildlife crimes.

Ang iba pang plano ay kinabibilangan ng pagpapakilos sa 200 Wildlife Traffic Monitoring Units sa 36 na paliparan at 131 daungan at ang pagbibigay ng training sa mahigit 700 Wildlife Enforcement Officers.

“This is very important because the Philippines is one of the mega biodiverse countries in the world. We are a hotspot, and therefore, we must make very good use of our protection and enhancement capabilities in order to stop illegal wildlife trade and all other wildlife crimes.”

Ayon sa Biodiversity Management Bureau (BMB), ang Pilipinas ay ikinokonsiderang illegal wildlife trade hub at source country ng wildlife at wildlife byproducts tulad ng pangolins at marine turtles, at destinasyon ng kalakalan kabilang na ang parrots na ginagawang pets.

Nauna rito noong 2020, nakatanggap ang NWRRC ng bagong ultrasound at X-ray machine na makatutulong sa mga veterinarians at staff ng opisina sa pagsusuri sa sakit, pinsala at kondisyon ng wildlife at exotic animals sa kanilang pangangalaga.

Ang gamit na ito ay donasyon ng United States Agency for International Development, sa ilalim ng proyektong Project Wildlife sa Pilipinas.

Matatagpuan sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center, ang NWRRC ay nasa ilalim ng pangangasiwa at pamamahala ng BMB ng DENR.

Ang center na ito ay nagiging instrumento sa pag-retrieve, pag-rescue at pagbibigay ng tahanan sa mga inabandonang wildlife at exotic animals maging ang mga iligal na ibinebenta. Kabilang sa mandato nito ang pangangalaga at rehabilitasyon ng nailigtas na wildlife species na dumarating na stressed, traumatized, sick o injured. Santi Celario

Previous articlePipe bomb pinasabog malapit sa Israeli embassy sa Cyprus
Next articleFilipino caregiver na tumakas sa pag-atake ng Hamas sa Israel, sugatan!