Home NATIONWIDE PhD, Master’s degree requirements ng Maharlika CEO, board inalis sa revised IRR

PhD, Master’s degree requirements ng Maharlika CEO, board inalis sa revised IRR

MANILA, Philippines – Maliban sa pagbibigay ng kapangyarihan sa Pangulo na tumanggap at tumanggi ng nominado para sa Maharlika Investment Corp. (MIC) Board of Directors, inalis naman ng revised implementing rules and regulations (IRR) ng Maharlika Investment Fund (MIF) Act ang specific advanced educational degree requirements para sa mga maitatalagang mangangasiwa ng kauna-unahang sovereign wealth fund ng bansa.

Sa ilalim ng Section 39 ng dating IRR, sinabi na
ang pangulo at chief executive officer (PCEO) ng MIC “must have an advanced degree (MBA, MA, MSc, PhD) in Finance, Economic, Business Administration, or a related field from a reputable university; additional professional certifications such as CFA or CPA is preferred.”

Sa kabila nito, sa revised IRR, sa ilalim ng Section 37 o ang “Duties and Qualifications of the PCEO” sinabi na ang specific advanced degree qualifications ay inalis.

Nakasaad sa Section 40 ng dating IRR na ang chief investment and operating officer (CIOO) “must have a master’s or advanced degree in Finance, Economics, Business Administration, or a related field.”

Ang CIOO “must have a proven track record of at least 10 years in senior investment management roles, preferably within sovereign wealth funds, asset management firms, or large institutional investors; and experience in successfully managing complex investment portfolios and driving robust investment strategies with a focus on long-term growth and risk management.”

Samantala, sa Section 38 ng revised IRR, pinasimple na lamang ang kwalipikasyon para sa CIOO sa pagkakaroon na lamang ng “a degree in Finance, or a related field and has a proven expertise in managing a team of financial analysts and investment professionals.”

Dagdag pa, ang Section 29 o “Additional Qualification of Regular and Independent Directors” ng dating IRR ay nag-oobliga sa
regular at independent directors ng MIC na magkaroon ng master’s degree; minimum of 10 years experience sa finance, investments, economics, business, o related field; strong track record sa paggawa ng strategic decisions; at nagpapakita ng commitments sa pinakamataas na ethical standards, integrity, at pagtugon sa umiiral na batas.

Ang kabuuang section ng karagdagang requirements para sa regular at independent directors ng MIC ay wala na sa revised IRR.

Sa pahayag, idinipensa ni Monetary Board Member and former National Treasurer of the Philippines Rosalia de Leon ang pag-aalis ng “certain qualification requirements” para sa mga opisyal ng MIC sa revised IRR.

Si De Leon ang hepe ng Bureau of Treasury nang mabuo ang dating IRR. Ang BTr ang inatasan na bumuo ng implementing rules ng MIF.

“The reason for removing the qualifications in the IRR is to give more independence to the Board in determining the specific qualifications of the other officers of the MIC in order to carry out its mandate to efficiently manage the MIF,” ani de Leon.

“The President wants the Board to be insulated from political influence and considerations and would like to give the leeway to set the qualifications in the best way they know how based on their experience and expertise in fund management,” dagdag pa niya.

Sa pinakahuling news release ng Presidential Communications Office (PCO), sinabi na ang revision ng IRR ng MIF law na ang MIC
“will exercise independence to give the body more latitude in managing the fund, thus promoting good corporate governance.”

Ang revised IRR ng MIF law ay inilabas ng Palasyo nitong Sabado, Nobyembre 11, isang buwan matapos ipahinto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapatupad ng naunang IRR upang lalo pang pag-aralan. RNT/JGC

Previous articlePH digital economy posibleng lumago sa $35B sa 2025 – Publicis Sapient
Next article2023-2033 idineklarang ‘Dekada ng Kasaysayan ng Pilipinas’