Home NATIONWIDE PhilHealth nagtaas ng package rate para sa hemodialysis

PhilHealth nagtaas ng package rate para sa hemodialysis

MANILA, Philippines- Itinaas ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) Board of Directors ang package rate ng korporasyon para sa hemodialysis sa P4,000 kada sesyon mula sa P2,600, inihayag ng Department of Health (DOH) nitong Biyernes.

Sinabi ng DOH na nagbigay din ang board ng tahasang pag-apruba para sa catheter insertion at blood transfusion payments na maaring i-claim nang hiwalay sa main case rate para sa admission.

Ang hakbang na ito ng PhilHealth ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr at iminungkahi ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, ayon sa ahensya.

Ikinokonsidera rin ng PhilHealth ang pagtaas ng financial coverage para sa renal replacement Therapy (RRT) kabilang ang Hemodialysis at Peritoneal Dialysis.

Saklaw ng RRT ang opsyon para sa dialysis para sa kidney failure.

Gayunman, inihayag ng DOH na ang paggamot na ito ay hindi ganap na nakapagpapagaling ngunit nakapagpapahaba ng buhay ng end-stage kidney failure patients.

Samantala, sinabi ng DOH na pinairal nito ang Puro Kalusugan program na naglalayong mapahusy ang pangangalagang pangkalusugan sa antas ng komunidad. Jocelyn Tabangcura-Domenden