Home OPINION PHILHEALTH ONLINE SYSTEM, MALAPIT NA MAGBALIK

PHILHEALTH ONLINE SYSTEM, MALAPIT NA MAGBALIK

NASA double time mode ngayon ang PHILHEALTH o Philippine Health Insurance Corporation para kaagad na maibalik ang online system nito anomang araw ngayong Linggo matapos na makaranas ng cyberattack sa database nito sa pamamagitan ng Medusa ransomware.

Simula noong September 22, 2023 ay nasa manual operations ang health insurance corporation para maiwasan ang mas malaki pang pinsala sa sistema nito.

Base sa pagsisiyasat ng DICT o Department of Information and Communications Technology ay nasa 7 workstations ang naapektuhan kabilang ang e-claims system, member portal system, at collection system.

Pero pagtitiyak ng PHILHEALTH, walang personal infor­mation o medical information ng mga miyembro ang na-compro­mised.
Nagpapatuloy ang isinasagawa ng imbestigasyon ng NPC o National Privacy Commission at cybercrime unit’s ng kapwa NBI o National Bureau of Investigation at Philippine National Police para malaman kung papaano nakapasok sa sistema ang virus. Lahat ng mga tauhan ng PHILHEALTH na may access sa system ay tinanong na ng mga nag-iimbestiga.

Humihingi ng ransom ang mga nasa likod ng pag-atake ng halagang $300,000 hundred thousand US dollars o katumbas ng halos PHP 17 million. Pero nauna nang sinabi ng pamunuan at ng DICT na hindi ito magbabayad ng demand ransom.

Para sa mga katanungan, maaaring tumawag sa PHILHEALTH sa pamamagitan ng callback channel na 0917.8987442, magpadala ng mensahe sa FB page na @PHILHEALTHOfficial at saan mang regional and local health insurance offices.

Patuloy babantayan ng PHILHEALTH hinggil sa information security incident na ito. Manatili lamang tayong mahinahon lalo pa’t nagpapatuloy naman ang operasyon at serbisyo ng PHILHEALTH.

NEW TRAFFIC SCHEME SA
KAHABAAN NG ADB AVENUE
Ipinapaalam ng DPWH-NCR o Department of Public Works and Highways – National Capital Region na simula ngayong Linggong ito ay magsasagawa ito ng dry run kaugnay sa ipatu­tupad na new traffic scheme sa kahabaan ng ADB Avenue sa Ortigas Center.

Asahan na ang pagkakaroon ng pagbabago sa traffic flow dahil sa lane reconfiguration para sa paglalagay ng bike lanes sa lugar ng DOTr o Department of Transportation.

Layon ng proyekto na magkaroon ng road safety at maging magaan sa mga motorista. Programa ito ng DOTr sa pam­a­magitan ng Active Transport Program na ipinatutupad ng DPWH-NCR at ng Ortigas Center Association, Incorporated.

Previous articleMR ng Showtime, ibinasura ng MTRCB!
Next articleLotto Draw Result as of | September 28, 2023