Home NATIONWIDE PhilHealth premium contributions sa minimum wage earners pinasususpinde

PhilHealth premium contributions sa minimum wage earners pinasususpinde

MANILA, Philippines- Isang House Resolution ang inihain kahapon sa Kamara ni Marikina Rep. Stella Quimbo na humihiling sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na pansamantalang suspendihin ang premium contributions sa lahat ng minimum wage earners.

Nakapaloob sa House Resolution 1595 ni Quimbo na gamitin ang “unspent appropriations” na ibinigay sa PhilHealth para sa premium subsidies.

Ayon kay Quimbo, noong 2022 ay nasa P80 billion ang ibinigay ng Kongreso sa Philhealth na subsidize premiums para sa mga indigent, senior citizens at persons with disability.

Ngunit inamin ng Philhealth na P24 billion dito ang hindi nagamit.

Sa taong 2023 ay nasa P79 billion ang premium subsidy at P39 billion ang hindi nagastos.

“The unspent premium of PhilHealth can very well cover the premium contributions of minimum wage earners for at least a year since in 2022 their premium contribution only amounted to PHP19.6 billion,” ani Quimbo.

Malaki din umano ang surplus funds ng Philhealth mula.sa nakokolekta sa mga miyembro gayundin sa nakukuhang subsidy sa Kongreso.

“This surplus suggests that PhilHealth can afford to suspend premium contributions for minimum wage earners without compromising its financial stability,” giit pa ng lady solon.

Kung hindi muna magbabayad ng Philhealth contributions ang mga minimum wage earners ay makatutulong ito sa mga manggagawa na makatitipid ng P400 kada buwan sa kanilang sahod. Gail Mendoza

Previous article348K aplikasyon naproseso ng Comelec sa pagbubukas ng voter registration
Next articleMga pribadong institusyon nangangamba sa ‘full foreign ownership’ sa edukasyon