Home NATIONWIDE Philipine grid code sinunod ng NGCP sa pagresponde sa Panay

Philipine grid code sinunod ng NGCP sa pagresponde sa Panay

Manila, Philippines – Nanindigan ang National Grid Corporation of the Philippines na sinunod nila ang protocol na itinadhana ng Energy Regulatory Commission upang tumugon sa naganap na multiple plan shutdowns sa Panay na nagresulta sa Panay sub-grid blackout noong Enero 2 taong kasalukuyan.

Batay sa datos at sistema ng NGCP na makikitang walang anomang abnormalidad sa system voltage sa pagitan ng PEDC 1 noong 12:06 ng hapon at ang kasunod na shutdown ng PCPC ng 2:19 ng hapon.

Bukod dito, tinukoy pa ng NGCP na sa ilalim ng Philippinr Grid Code section 6,2,3,4 na kung mayroong unplanned outage ng isang planta ngunit ang sistema ay manantiling sistema ay maayos at hindi maaaring isagawa ang manual corrective intervention upang maiwasan ang ikalawang insidente.

Na kung saan nangangahulugan lamang na ang pagsasagawa ng disengaging load manually o pagputol ngb koneksyon ng supllay ng kuryente sa mga consumer na inirerekomenda ng Department of Energi at ng Independent Electricity Market Operator of the Philippines upang maiwasan ang kasunod na inidente ay mahigpit na ipinagbabawal sa panuntunan.

“There was No. system indication justifying a manual load drop or disconnecting end-users-households, business , industries—from the system to regulate voltage during the two hour period. Had we disengaging loads without any trigger fro the system , we may have also been questioned for doing so, as tjis clearly violates the PCG . our actions at the time of the incident were undertaken within protocols and in compliance with established rules, “ ani NGCP.

Batay din sa datos lumalabas na ang isa dahilan nay ang unplanned outgaes ng multiple power generators sa Panay Island kung kaya’t nagkaroon ng hindi inaasahang shutdown ng Palm Concepcion Power Corporation (PCPC) na isa sa pinamalaking planta na may kapasidad na 135MW at sa huli ay sumunod na ding iba pang planta sa isla.

Naninidigan ang NGCP na bagama’t handa na silang mag-transmit ng power noong pang Enero 2 ngunit tumagal pa ang PCPC ng 59 na oras upang makabalik ang kanilang operasyon sa grid na kung saan ito ay naganap 1;33 ng umaga ng Enero 5,.

At nagawa lamang ng PCPC na makapagdekrala ng maayos na operasyon bago ang kanilang operasyon noong Enero 5 ng ala-una ng hapon matapos ang tatlong araw nilang shutdown.

Iginiit ng NGCP na matapos na na maayos na ang operasyon ng PCPC ang suplay ng kuryente sa Panay consumers ay naging maayos na at wala nang napaulat na wala ni isa man ang nakakaranas pa ng brownout.

Binigyang-diin ng NGCP Na bilang regulated entity na closely monitored ng ERC ay kailangang mahigpit silang sumunod sa mga panuntunan at kasunuduan na may kaugnayan sa transmission operator lalo na’t ang bawat paglabag nila ay may kaakibat na pananagutan mula sa mga regulator.

“NGCP is doing its best as transmission service provider to fulfill its mandate and ensure grid stability. We strictly abide by the rules to run the grid smoothly and avoid disturbances. NGCP assures all its stakeholders that our operations are fully compliant with existing rules and regulations, as stated in the Phillipine Grid Code. We want to be part of the solution, but NGCP cannot do it alone. We need the cooperation of the otherstakeholders and the support of our regulator, policy makers, and the whole of government, to ensure the stability of transmission services that will support the reliable power supply for Filipinos,” dagdag ng NGCP. RNT

Previous articleMOU sa energy, eye cooperation tinintahan ng PH, Indonesia
Next articlePaggamit ng Maharlika funds sa NGCP, kinuwestiyon sa Senado