Home NATIONWIDE Philippine Book Festival malaking tulong sa MATATAG curriculum

Philippine Book Festival malaking tulong sa MATATAG curriculum

MANILA, Philippines – Inihayag ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte nitong Biyernes, Agosto 18 ang kahalagahan ng Philippine Book Festival, ang pinakamalaking traveling book festival sa bansa, sa mga programa ng Department of Education.

Ayon kay Duterte, ang naturang book festival ay importante lalo na sa kakalunsad lamang na MATATAG K-10 curriculum.

Kabilang sa mga tampok sa recalibrated curriculum ay ang pagbabawas sa bilang ng mga subject, at mas tinututukan ang pag-unlad ng mga mag-aaral sa Kinder hanggang Grade 3 lalo na sa foundational skills katulad ng literacy, numeracy, at socio-emotional skills.

“Our direction is not only for our learners to possess the power of writing and reading, but, most importantly, for them to value this power as it could help them navigate life successfully,” saad sa pahayag ni Duterte.

“Our campaign necessitates rekindling our learners’ interest in the written word through reading books and other materials that could ignite their curiosity, give space for their creativity, and nurture their intellect,” dagdag pa niya.

Nanawagan din siya sa industriya na “nurture the seeds of knowledge to yield a bountiful harvest for generations to come.”

“May this festival illuminate our path toward a strong Philippines—where the pages of our shared story are etched with the enduring ink of knowledge, wisdom, and inspiration,” sinabi pa ng kalihim

Ang book festival ay tatakbo mula Agosto 18 hanggang Agosto 20. RNT/JGC

Previous articleDOLE sa mga employer: Wage distortion, iwasto!
Next articleLalaki tinarakan sa leeg ng holdaper, todas