MANILA, Philippines- Patay na ang Philippine eagle na ipinadala sa Singapore bilang bahagi ng programang naglalayong matiyak ang populasyon ng critically endangered species.
Sinabi ng Philippine Eagle Foundation na namatay si Geothermica, 19 taong lalaking Philippine eagle, sa Mandai Wildlife Reserve nitong Huwebes.
“Geothermica was [a] pioneer. He brought attention to the plight of his species to a larger, international audience,” anang foundation.
Noong 2019, ipinadala sina Geothermica at babaeng tinawag na Sambisig, kapwa mula sa Philippine Eagle Center (PEC) sa Malagos, Davao City, sa Singapore sa ilalim ng 10-year-loan bilang kauna-unahang breeding pair na dinala sa ibang bansa.
Itinuturing ang Philippine eagle, na mayroong “white and brown plumage and an enormous wingspan,” bilang “critically endangered” ng protection group na International Union for Conservation of Nature. RNT/SA