MANILA, Philippines – PINAYAGAN na ang Ottawa, Canada na tulungan ang Maynila na i-monitor ang coastal waters at high seas nito gamit ang Canadian satellite surveillance program.
Ito’y matapos na kapuwa tintahan ng Pilipinas at Canada ang isang kasunduan ukol dito.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang Dark Vessel program ng Canada ay gumagamit ng satellite technology para mahanap at matunton ang mga barko na ilegal na nangingisda maski saan kahit pa naka-switch off ang kanilang location transmitting devices para makaiwas sa monitoring at surveillance.
“The Philippines and Canada signed an arrangement that will include the Philippine National Coast Watch Center in Canada’s Dark Vessel Detection System at the sidelines of the 6th Joint Commission for Bilateral Cooperation in Ottawa, Canada on 12 October 2023,” ang naging pahayag ng departamento sa kanilang X account.
Sinasabing tutulungan ng satellite program ng Canada ang Pilipinas na mamataan at matugunan ang problema sa karagatan gaya ng illegal fishing at makakuha ng scientific data tungkol sa lawak ng kanilang teritoryo at continental shelf.
Sa ulat, sinabi ng Philippine Coast Guard, na kahit pa nagsasagawa sila ng territorial patrols sa West Philippines Sea, marami pa ring mga vessels, kabilang na ang Chinese Coast Guard ships at militia vessels, ang madalas ay
naka- turn off ang kanilang location transmitting devices para maiwasan na ma-detect ang kailang galaw sa pinagtatalunang katubigan.
Samantala, sinabi naman ni Colin Townson, pinuno ng political section ng Canadian Embassy, na ang teknolohiya ay “would enhance Philippine maritime domain awareness.” Kris Jose