Home NATIONWIDE PhilSA nag-abiso vs debris mula sa NoKor rocket launch

PhilSA nag-abiso vs debris mula sa NoKor rocket launch

MANILA, Philippines- Nagbabala ang Philippine Space Agency (PhilSA) sa publiko ukol sa posibleng debris mula sa “Chollima-1” rocket launch ng North Korea.

Sa abiso nito noong Biyernes, kinumpirma ng PhilSA na inilunsad ng Democratic People’s Republic of Korea ang Chollima-1 space rocket.

Binigyang-diin ng ahensya na bagama’t wala nang anumang panganib ng “untoward incidents” at pinsala mula sa falling debris sa Philippine territory, nananatili pa rin umano ang posibilidad ng lumulutang na rocket debris sa drop zone area.

“There is still the possibility that the discarded rocket debris may float around the drop zone area and may wash toward the nearby coasts in the future,” pahayag ng PhilSA.

Binanggit din ng PhilSA na ang “expected debris from the rocket launch was projected to have fallen within the identified drop zones approximately 237 NM (nautical miles) away from San Policarpio, Samar and 248 NM from Mercedes, Samar.”

Inilunsad ang Cholimma-1 mula sa Sohae Satellite Launching Station sa Cholsan County, North Pyongan Province, North Korea nitong Nov. 21.

“Details of the rocket drop zone were disclosed through a Notice to Airmen (NOTAM) warning of a ‘satellite launch activity,'” anang PhilSA.

“PhilSA has disseminated a post-launch report to relevant government agencies and authorities after the launch has been confirmed,” patuloy nito.

Inabisuhan ng ahensya ang publiko na ipagbigay-alam sa local authorities sakaling may mamataang suspected rocket debris.

Binigyang-diin din nito ang kahalagahan ng pag-iingat at hindi paglapit sa mga materyal na ito, dahil maaaring naglalaman ito ng hazardous substances, tulad ng rocket fuel. RNT/SA

Previous articleMANIBELA nagbabala: Transport strike palalawigin!
Next articleNavotas tumanggap ng cash aid para sa mga kabataan