MANILA, Philippines- May kabuuang 109 volcanic earthquakes at 19 dome collapse pyroclastic density current (PDC) events ang naitala sa Mayon Volcano sa nakalipas na 24 oras, ayon sathe Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Lunes.
Mas mataas ito kumpara sa 26 volcanic earthquakes at tatlong dome collapse PDC events na naiulat nitong Linggo.
Sa pinakabagong bulletin, sinabi ng PHIVOLCS na ang mabagal na lava flow mula sa bulkan patungo sa Bonga gully ay umabot na sa 1.4 kilometro.
May kabuuang 325 rockfalls maging apat na lava front collapse at isang lava collapse events ang naitala sa bulkan, base sa PHIVOLCS.
“Alert Level 3 is maintained over Mayon Volcano, which means that it is currently in a relatively high level of unrest as magma is at the crater and hazardous eruption within weeks or even days is possible,” anang PHIVOLCS.
“It is therefore recommended that the 6-km radius Permanent Danger Zone (PDZ) be evacuated due to the danger of PDCs, lava flows, rockfalls and other volcanic hazards,” dagdag nito.
Naobserbahan din ang moderate emission ng plumes na aabot ng 800 metro.
“Increased vigilance against pyroclastic density currents, lahars and sediment-laden streamflows along channels draining the edifice is also advised,” babala ng PHIVOLCS.
Itinaas ang Alert Level 3 sa Mayon Volcano noong June 8 matapos ang tatlong PDC events sae Bonga (southeast) at Basud (east) gullies ng bulkan.
Samantala, umabot naman ang plumes mula sa Taal Volcano mula 1,800 metro nitong Linggo sa 2,400 metro ngayong Lunes, base pa sa PHIVOLCS.
Sa bulletin, sinabi ng PHIVOLCS na patungo ang plumes sa west-northwest at northwest directions.
May kabuuang anim na volcanic earthquakes, kabilang ang isang volcanic tremor, ang naitala sa bulkan sa nakalipas na 24 oras, ayon sa PHIVOLCS, at sinabing tumagal ang mga pagyanig ng apat na minuto.
Nagbuga naman ang Taal Volcano ng 9,623 tonnes ng sulfur dioxide, base sa PHIVOLCS. Naiulat din nito ang upwelling ng hot volcanic fluids sa Main Crater Lake.
Sa kasalukuyan ay umiiral sa Taal Volcano ang Alert Level 1 dahil sa low-level unrest.
Ipinagbabawal pa rin ang paglapit sa Taal Volcano Island (Permanent Danger Zone or PDZ), partikular sa main crater at Daang Kastila fissures, maging ang pamamangka sa Taal Lake. RNT/SA