Home METRO Phivolcs nakapagtala ng 32 aftershocks kasunod ng M-6.3 quake sa Batangas

Phivolcs nakapagtala ng 32 aftershocks kasunod ng M-6.3 quake sa Batangas

MANILA, Philippines- May kabuuang 32 aftershocks na naitala kasunod ng magnitude 6.3 lindol na tumama sa Calatagan, Batangas nitong Huwebes ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Biyernes.

Sinabi ng PHIVOLCS na pumalo ang magnitude ng mga lindol sa 1.6 hanggang 3.1.

Naganap ang magnitude 6.3 tectonic earthquake nitong Huwebes, alas-10:19 ng umaga at naramdaman sa ilang bahagi ng Metro Manila at mga karatig-lalawigan.

Sa panayam, sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) spokesman Bernardo Alejandro IV na ang lindol ay may “very minor” na epekto sa Calatagan.

“Meron lang tayong nakuhang mga reports na na-damage pero very minor, mga cracks lang po. Wala naman tayong injured na na-report or casualty directly dito sa lindol,” pahayag ni Alejandro.

“Ang nangyari lang po may mga class suspension lang po and, of course, ‘yung mandatory check ng mga facilities, no. Lalo na dito sa Metro Manila, ‘yung mga buildings natin,” dagdag niya.

Sinabi niya na nakatanggap sila ng ulat na nagtamo ng sugat ang isang indibidwal subalit bineberipika pa ang impormasyong ito.

Base pa sa opisyal, walang lumikas na residente. RNT/SA

Previous articleEGov ‘super app’ pinalawig ng DICT
Next articleDepEd: 4.2M mag-aaral maagang nagparehistro para sa SY 2023-2024