Home ENTERTAINMENT Pia, book author na!

Pia, book author na!

Manila, Philippines- Who says that Pia Wurtzbach has already seen the fulfillment of her dreams?

There’s still one more on her bucket list na magkakaròon ng katuparan ngayong September.

Magiging isa na kasi siyang ganap na published author next month!

On her Instagram ay buong pagmamalaki niyang ibinahagi ang unang pahina ng kanyang libro.

May pamagat ito na Queen of the Universe: A Novel: Love, Truth, Beauty…by Pia Wurtzbach.

“That sounds good,” caption ng Miss Universe 2015.

Naglalaman ito ng mga facts sa kanyang buhay noong working student pa siya until she got into showbiz, became a model up to her Miss Universe journey.

Siyempre, the book won’t be complete kung wala roon ang pag-iibigan nila ng asawang si Jeremy Jauncey.

This early, marami na ang nag-i-inquire kung available ba ito online by September.

May book signing din daw ba ito sa araw ng launch?

For the record, Pia joins the growing list of celebrities who are published authors themselves.

Nariyan sina Alden Richards, Michael V, Maine Mendoza, Ogie Diaz at Mark Bautista.

Not to mention ay ang three- or four-part book ni Nora Aunor na in the works na nga ba? Ronnie Carrasco III

Previous articleKuya Kim, may pahaging kay Pura Luka Vega!
Next article‘Tanya Gomez,’ nambudol na naman!