Home ENTERTAINMENT Pia, nagpa-selfie kay Sandara, dinedma si Heart?

Pia, nagpa-selfie kay Sandara, dinedma si Heart?

Manila, Philippines – Tila dinedma talaga ni Pia Wurtzbach si Heart Evangelista sa Paris Fashion Week.

Si Sandara Park kasi ang nakasama niya sa larawan.

Kasama si Sandara na na-feature sa video ni Pia na may kasamang short comment na, “We saw Sandara, this is so cool. I know you`ve been looking for her.”

Samantala, ipinost naman ni Sandara sa kanyang IG ang larawan nila ni Pia at kahit hindi nabanggit ang beauty queen sa kanyang caption ay masaya pa rin ang mga netizens.

Tila naging busy ang mga fans ni Sandara sa pagko-comment sa kanyang outfit na hindi nagustuhan ng iba.

May mga nag-comment din na sana may picture sila ni Heart at hindi lang yung kuha ng netizen sa isang show sa Paris Fashion Week. Maganda sanang makita na magkakasama sila sa larawan na nakangiti para matigil na rin ang pagbabangayan ng mga supporters nina Heart at Pia na laging may isyu.

Eto, matatapos na nga ang Paris Fashion Week pero may isyu pa rin kay Pia nang panggagaya raw nito kay Heart.

Kesyo lahat daw ng gawin at ginawa ni Heart, gaya ng pagbi-video habang nasa loob ng car, ay ginawa rin ni Pia.

Pati raw ang pagrampa at paglalakad ni Heart ay ginagaya ni Pia na siya namang inalmahan ng mga fans ng beauty queen. Gerry Ocampo

Previous article‘Person of interest’ sa pagsaboy ng asido sa lady guard, arestado na
Next articleClaudine, namayat kay Jaclyn!