Home SPORTS Pickleball, laro para sa Pinoy

Pickleball, laro para sa Pinoy

UMAASA ang liderato ng Philippine Pickleball Federation na tulad ng kaganapan sa ibang bansa, mabilis na makikilala ang sports hindi lang bilang libangan bagkus sa kompetitibong aspeto sa international community.

Ayon kay PPF president Armando Tantoco, may 70 pickle club na sa buong bansa at patuloy ang isinasagawang clinics, seminars at torneo sa mahigit 100 playing courts sa Manila at mga lalawigan.

“Pickleball is the fastest growing sports hindi lamang sa ating bansa bagkus sa buong mundo. Nag-originate ito sa Amerika, sa Washington partikular. Hindi mo kailangan ang malaking venue dito at madaling iorganize ang mga laro bukod sa mura ang kagamitabn kaya maraming Pinoy ang nahuhumaling dito,” ayon kay Tantoco.

Sa kasalukuyan ang dating tennis phenom na si Clarice Patrimonio, anak ng dating PBA star na si Alvin, ang numero unong player sa kababaihan sa Pickleball sa kasalukuyan.
“Itong laro kasi ay combination ng table tennis, tennis at badminton, kaya madaling matutunan ang basic at makabisado ang laro,” ayon kay Tantoco.

Iginiit ni coach Joel Cano na ang ginagamit na paddle at bola na gawa sa plastic ay mabibili sa lahat ng sporting good store at kahit sa mga tindahan sa Quiapo meron kang mabibili kaya hindi mahirap hanapin ang equipment kung gustong maglaro.

Aniya, sa mga nagnanais na matuto ng pickleball, buksan lamang ang opisyal Facebook page ng grupo gayundin ang website ng PPF upang matukoy ang mga lugar at courts kung saan malapit sa kanilang tinutuluyan.

“After clinics and seminars, tuloy agad sa kompetisyon. Sa simula talkaga kakapain mo ang lato pero pag nasanay na madali,” ayon kay Cano.

Sinabi ni Tantoco na nakatuon ang kanilang programa palakasin ang kamalayan ng Pinoy sa pickleball, habang hinihingtay nila ang opisyal na pagkilala ng International Olympic Committee (POC) sa Global Pickleball Federation bilang International Federation sa sports.

“Kaya hindi pa kami natanggap ng POC dahil yung 2 international federation nagbabanggaan. Kaya nabuo yung Global kung saan affiliated kami, Pag nasanctioned na ito ng IOC babalik kami sa POC para humingi ng membership,” ayon kay Tantoco.JC

Previous articleHeart at Pia, naudlot ang pagkikita!
Next articleKampo ni De Lima pumalag sa paratang ni Roque na kinatigan ng hukom