Home NATIONWIDE Pilipinas inaasahang mag-aangkat ng 3.9M MT ng bigas ngayong 2024

Pilipinas inaasahang mag-aangkat ng 3.9M MT ng bigas ngayong 2024

MANILA, Philippines – Tinatayang mag-iimport ng mas maraming bigas ang Pilipinas ngayong taon na magdadala sa bansa bilang top importer ng bigas sa buong mundo, ayon sa US Department of Agriculture (USDA).

Sa “In its Grain: World Markets and Trade” report na inilabas nitong Biyernes, Pebrero 9, inaasahang mag-iimport ng 3.9 milyong metriko tonelada ng bigas ang Pilipinas ngayong taon, mas mataas sa naunang pagtaya na 3.8 milyong MT nitong Enero.

Sinabi ng USDA na “strong recent purchases from Vietnam” ay dahilan ng adjustment nila sa naunang projection.

Noong Enero ay pumirma ng kasunduan ang Pilipinas at Vietnam ng Memorandum of Understanding (MOU) sa Rice Trade Cooperation sa pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hanoi.

Sa ilalim ng MOU, pumapayag ang Vietnam sa five-year trade commitment na magsuplay ng puting bigas sa private sector ng Pilipinas, na nagkakahalaga ng 1.5 milyon hanggang 2 milyong metriko tonelada (MT) kada taon.

Ayon sa USDA, ang importasyon ng bigas ngayong taon ay nasa 56,090.63 MT na hanggang nitong Enero 11, karamihan ay mula sa Vietnam. RNT/JGC

Previous articlePNP sinupalpal ng solon sa pagtanggi na magpatupad ng posibleng arrest order ng ICC vs ex-PRRD
Next articleDecriminalization ng libel ipinanukala sa Senado