MANILA, Philippines – IPAGPAPATULOY ng Pilipinas na maging “responsible neighbor” sa pamamagitan ng tiyakin ang kapayapaan, katatagan at kaginhawaan sa Indo-Pacific Region na may gabay o patnubay ng rules-based international order.
“My message has always been firm, simple, and clear: the Philippines will continue to be an engaged and responsible neighbor – always finding ways to collaborate with the end goal of mutually beneficial outcomes, namely, peace, stability, and prosperity in the Indo-Pacific Region,” ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa isinagawang Daniel Inouye Speaker Series sa Asia-Pacific Center for Security Studies.
“It is through working together, guided by the rules-based international order, that we can ensure an environment that will allow our countries and our peoples to prosper. That has been the raison d’être for my foreign policy of peace,” ayon sa Pangulo.
Gayunman, sinabi ng Pangulo na batid naman niya na maraming hamon sa daan tungo sa mapayapa at maunlad na hinaharap gaya ng “nuclear arms at space race” kabilang sa big powers.
Ang mga bansa ay naiipit din sa “dual challenge” at oportunidad na ipinresenta sa pamamagitan ng advanced and emerging technologies gaya ng artificial intelligence (AI).
“Smaller countries like the Philippines are grappling with the need to enhance our security capabilities alongside allies and partners and amidst larger regional players,” ayon kay Pangulong Marcos.
Sinabi ng CHief Executive na siya at mga opisyal ng US Indo-Pacific Command (Indopacom) ay nagkaroon ng matapat na pagpapalitan ng regional developments at ang mahalagang papel ng Philippines-US alliance sa pagpo-promote ng “peace, safeguarding the international law-based order, and ensuring resilient, sustainable at inclusive growth.”
Ang Honolulu ang naghost sa headquarters ng Indopacom.
“The long-standing partnership between the Armed Forces of the Philippines and Indopacom have resulted in enhanced coordination, interoperability and individual and joint defense capabilities, enabling both sides to uphold their commitment to their treaty alliance, especially in the face of growing and evolving regional and global security challenges,” ayon sa ulat.
Samantala, nasa Hawaii si Pangulong MArcos para sa maikling working visit, kasunod ng pagdalo sa APEC Economic Leaders’ Meeting sa San Francisco, California noong nakaraang taon.
Inaasahan na darating sa bansa ang Pangulo mamayang gabi, araw ng Lunes. Kris Jose