Home NATIONWIDE Pilipinas nagpahayag ng labis na kalungkutan sa hospital bombing sa Gaza

Pilipinas nagpahayag ng labis na kalungkutan sa hospital bombing sa Gaza

MANILA, Philippines – LABIS na ikinalungkot ng Pilipinas ang nangyaring pambomba sa Al-Ahli Arab Hospital sa Gaza, nagresulta ng pagkasawi ng daan-daang inosenteng sibilyan.

Dumagdag ito sa tumataas na bilang ng mga nasawi sa Israel-Hamas war.

Binigyang diin ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pangangailangan na proteksyonan ang mga sibilyan, sabay sabing ang lahat ng partidong sangkot “should do their utmost” na gagawin sa panahon ng “war at conflict.”

“The Philippines is profoundly saddened over the recent bombing of the Al Ahli Arab Hospital in Gaza,” ayon sa kalatas ng DFA.

“We grieve for the hundreds of innocent lives lost in this tragic incident, non-combatants which include medical practitioners, children, the wounded, and displaced individuals who only sought shelter at the facility,” dagdag na pahayag nito.

Sinabi ng gobyerno ng PIlipinas na sinusuportahan nito ang pagsisikap ng United Nations para magbigay ng humanitarian relief sa conflict areas, habang ang labanan sa pagitan ng panig ng dalawang bansa ay labis na nakaaapekto sa civilian population.

Sa ulat, nagdeklara ng giyera ang Israel laban sa Hamas militants, kinontrol ang Palestinian territory ng Gaza, matapos ang sorpresang pag-atake sa Jewish state noong Oktubre 7.

Samantala, sinabi naman ni DFA Undersecretary Eduardo Jose de Vega said na labis ang pagtitiwala ng Pilipinas sa Israeli government na tiyakin ang kaligtasan ng mga mamamayang filipino.

“We’re confident in the promise that they would protect Filipinos,” ayon kay de Vega.

Previous articleFood Stamp Program pilot, full-blast na sa Disyembre – DSWD
Next articlePagbibigay ng confidential fund sa DICT tinabla ni Pimentel