Home NATIONWIDE Pilipinas nakakuha ng P20.6B investment prospects sa Taiwan mission

Pilipinas nakakuha ng P20.6B investment prospects sa Taiwan mission

MANILA, Philippines – Nakakuha ng P20.6 bilyong halaga ng investment leads sa bansa ang limang araw na investment mission ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) sa Philippine Trade and Investment Center-Taipei (PTIC) sa Taiwan.

Sa pahayag ng PEZA nitong Biyernes, Nobyembre 3, ang prospective projects ay nagmula sa limang kompanya na dumalo sa Philippine Investment Forum sa Taiwan mula Oktubre 23 hanggang Oktubre 27.

Dalawa sa pinakamalaking investment leads ay target na mag-invest sa manufacturing ng sustainable packaging.

Nagpanukala ang consortium ng Taiwanese at Japanese firms na magbuhos ng P11.36 bilyon ng kapital at nais naman ng isa pang manufacturing at renewable energy firm ang nais na magtayo ng P7.95-billion facility para sa vertical integration ng low carbon paper at eco-packaging at nais bumuo ng waste-to-energy plant.

Layon ng existing company na palawakin ang electronic manufacturing services (EMS) operation nito sa pag-iinvest ng panibagong P681.85 milyon; target din mamuhunan ng maker ng non-asbestos friction materials na ginagamit sa bicycle disc brake system; at target din ng long-time PEZA locator na maglagay ng mas marami pang investments na nagkakahalaga ng P171 milyon sa pagpapalawak ng precision stamping business; habang nagpahayag din ng intensyon ang innovative air care products’ manufacturer na maghanap ng pwesto sa isa sa mga PEZA zone.

“As one of the top ecozone investors, Taiwanese locators contribute a total of PHP 33.165 billion in investments, created 38,481 new employment to Filipinos, and supplied USD529.716 million amount of exports from the Philippines,” ayon sa PEZA.

Nakipagkita rin si PEZA Director General Tereso Panga sa Taiwan Smart Electric Bicycle Association (TSEBA), na inirepresenta ni Secretary General Thompson Su.

“PEZA Director General Panga informed TSEBA that the electric bicycle supply chain in the Philippines is vibrant, featuring the likes of locators Shin-Etsu Magnestics Philippines, Inc. (SEMPI) and Shimano (Philippines), Inc. (SPI), and encouraged the companies during the briefing to explore major investment opportunities through a predictable investment environment and other advantages of locating inside PEZA economic zones in the Philippines,” dagdag pa ng PEZA.

Ito ay nakaayon sa inisyatibo ng pamahalaan na gawing bahagi ng global value chain sa electric vehicles ang Pilipinas. RNT/JGC

Previous articleP7M alahas tinangay ng dating houseboy
Next article6 OFW mula Lebanon nakabalik na sa Pilipinas