Home NATIONWIDE Pilipinas target magkaroon ng 3 key allies sa external defense

Pilipinas target magkaroon ng 3 key allies sa external defense

MANILA, Philippines – Target ng Pilipinas na magkaroon ng patuloy na suporta mula sa tatlong key allies nito, ang
United States, United Kingdom at Australia kasunod ng mas agresibong aksyon ng China sa maritime dispute sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. nitong Biyernes, Pebrero 23, na sa mga susunod na buwan ay magsasagawa pa ng mas maraming joint patrols ang Pilipinas at Estados Unidos sa West Philippines Sea (WPS), na pasok sa 370-kilometer exclusive economic zone (EEZ) ng bansa.

Aniya, nakipagkasundo si US Adm. John Aquilino, hepe ng US Indo-Pacific Command (Indopacom), sa mas maraming joint naval maneuvers o Maritime Cooperative Activity (MCA), na layong palakasin pa ang interoperability ng Filipino at US forces sa pamamagitan ng maritime domain at security awareness operations.

Inanunsyo rin ni Brawner ang planong makipagpulong kasama ang senior US military officers na lumahok sa Capstone Pacific Program sa Camp Aguinaldo, Quezon City, ayon kay Col. Xerxes Trinidad, chief ng public affairs office ng AFP.

“We are going to do those activities more; we will increase the frequency and its range,” ani Brawner. Dagdag pa, sinabi umano ni Aquilino sa kanya na “he’s ready when we are ready.”

Iginiit ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa Capstone delegates ang pangangailangan na manindigan sa United Nations Convention on the Law of the Sea at rules-based order lalo na security challenges sa rehiyon.

Ipinunto rin niya ang “pivotal role” ng close cooperation sa pagitan ng Manila at Washington sa pagpapanatili ng regional peace at prosperity sa pamamagitan ng 2014 Enhanced Defense Cooperation Agreement, na pumapayag sa Estados Unidos na magkaroon ng base-militar. RNT/JGC

Previous articleP150 taas-sahod isinusulong sa Kamara
Next articlePinsala sa El Niño, P357.4M na