Home NATIONWIDE Pilipinas wala pang natatanggap na extradition request laban kay Quiboloy

Pilipinas wala pang natatanggap na extradition request laban kay Quiboloy

MANILA, Philippines – Wala pang natatanggap ang pamahalaan na pormal na kahilingan para ma-extradite sa Amerika si Pastor Apollo Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ.

Ipinaliwanag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na may prosesong pagdaraanan pa ang extradition request na unang babagsak sa DFA bago ipapasa sa DOJ.

Kaugnay ito sa kasong conspiracy to commit sex trafficking operations sa mga kababaihan laban kay Quiboloy at 2 iba pa.

Samantala, nilinaw ng kalihim na tuloy pa ang mga imbestigasyon sa mga reklamo na inihain ni Quiboloy at laban sa kanya sa DOJ.

Samantala, tumanggi na si Remulla na magkomento sa mga patutsada ni Quiboloy laban kay PBBM, at Unang Ginang Liza Araneta. Teresa Tavares

Previous article‘Harana ng Pag-ibig’ sa NPC, matagumpay na idinaos!
Next articleDA, PhilSA sanib-pwersa sa advanced space tech sa pagpapalakas ng PH agri