Home METRO Pilot test ng nat’l ID verification app, matagumpay – PSA

Pilot test ng nat’l ID verification app, matagumpay – PSA

MANILA, Philippines- Naging matagumpay ang ikinasang pilot test para sa national identification verification application program  ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa Negros Oriental.

Sa katunayan, sinabi ni PSA-Negros Oriental head Ariel Fortuito na wala silang na-encounter na problema nang pasimulan nila ito.

“We have conducted the required 30 test subjects for the Civil Registration Services authentication service and so far everything went well,” ayon kay Fortuito.

Ang beripikasyon ng national ID cards  ay nagkaroon ng pilot-test sa nasabing lugar mula Agosto 15-17 bago pa ang rollout nito sa Setyembre.

Ang CRS app ay maaaring gamitin para iberipika ang national IDs lalo pa’t hindi naman ito naglalaman ng pirma ng may-ari kundi naglalaman ng stored data, gaya ng  fingerprints at iris scans.

Samantala, sinabi ni Fortuito na ang  PSA-Negros Oriental  ay nagsasagawa ng iba’t ibang estratehiya para ma-
accommodate ang mga registrants  sa national identification program ng gobyerno at maging ang iba pang concerns alinsunod sa Philippine Identification System (PhilSys).

Winika pa nito na maliban sa karaniwan na  ‘registration of applicants,’ ang kanyang tanggapan ay kaya rin na mag-cater sa iba’t ibang concerns ng national ID card holders, na  hindi naging posible noon.

“We will accept requests for replacement of damaged PhilID cards, replacement for retrieval of lost transaction reference number and issuance of printable ePhilIDs,” aniya pa rin.

Magsasagawa rin ang PSA-Negros Oriental ng co-location ng mga eskwelahan sa kani-kanilang enrollment periods at may enrollment ng 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program at magsagawa ng mobile registration sa “sitios” o sub-villages.

Tinuran ni Fortuito na kailangan nilang makahanap ng bagong estratehiya upang maabot ang natitirang populasyon ng lalawigan na hanggang ngayon ay hindi pa nakapagrerehistro para sa national ID system.

Samantala, may kabuuang 1,108,728 residente ang nakapagparehistro sa Negros Oriental, kumakatawan sa 87.65% ng 1,264,881 populasyon nito base sa 2020 census.

Sinabi ni Fortuito na “there is still no exact date as to when children less than 5 years old can be registered for the PhilSys program.” Kris Jose

Previous articleTsina kinondena ng US, SoKor, Japan sa ‘dangerous and aggressive behavior’ sa S. China Sea
Next article11 nasagip sa tumaob na bangka sa Quezon