Home NATIONWIDE Pinagmulan ng comms interference sa WPS dapat talupan – Navy

Pinagmulan ng comms interference sa WPS dapat talupan – Navy

MANILA, Philippines – Hinahanap na ng Philippine Navy (PN) ang pinanggagalingan ng paghadlang o panghihimasok na nakaaapekto sa electronics at communication equipment ng mga barkong Pilipino sa West Philippine Sea (WPS).

Tumaas na kasi ang insidente sa bagay na ito.

“I would need (the) appropriate Navy office to say specifically the source of this intervention or interference, ” ayon kay PN spokesperson for the WPS Commodore Roy Vincent Trinidad.

Nagkomento si Trinidad nang tanungin kung ang PN ships ay nakaranas ng “jamming of tracking systems” gaya ng mga iniulat ng Philippine Coast Guard.

Tinutukoy ang WPS, binanggit ni Trinidad ang lahat ng lugar sa WPS maliban sa Bajo de Masinloc.

Gayunman, sinabi ni Trinidad na nakikipag-ugnayan na sila sa Naval Forces Northern Luzon kaugnay sa ‘communications interference’ sa Bajo de Masinloc.

In lit din nito na kailangan ang “forensics” para madetermina kung sino talaga ang nasa likod ng nasabing interference o panghihimasok.

“It could come from anybody, again common sense will dictate but I would like to be backed up with (an) appropriate report,” aniya pa rin.

Samantala, sinabi ni Trinidad na ang bilang ng mga Chinese ships sa Philippine-occupied features sa WPS ay “fairly constant”.

Sa Bajo De Masinloc, sinabi ni Trinidad na nakapagtala ito ng presensiya ng apat na China Coast Guard (CCG) vessels at 10 hanggang 17 fishing vessels habang tatlong iba pa na CCG ships at apat na fishing boats ang namataan sa Ayungin Shoal.

Sa Pag-asa Island, sinabi nito na isang People’s Liberation Army Navy vessel ang natuklasan kasama ang isa pang CCG ship at 16 Chinese fishing boats.

Tinuran pa ni Trinidad na ang dalawang fishing boats ay matatagpuan sa Parola Island habang ng siyam na iba pa ay natuklasan naman sa Panata Island.

Idinagdag pa nito na wala namang natutop sa Likas, Lawak, Rizal at Kota.

“These numbers when we compare these with the previous weeks, this (is) fairly constant. Those in WPS operate out of Mischief Reef (as this is) a safe harbor, they project those vessels to the other features in the WPS,” aniya pa rin. Kris Jose

Previous articleP180M mais napinsala ng El Niño sa Region 2
Next articleMaritime territory ng Pinas didipensahan, mangingisdang Pinoy tutulungan – PBBM