Home NATIONWIDE Pinagsamang P120.5M lotto jackpot mailap

Pinagsamang P120.5M lotto jackpot mailap

MANILA, Philippines – Hindi napanalunan ang jackpot para sa dalawang major lotto draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Lunes ng gabi, Peb. 19.

Para sa Grand Lotto 6/55, hindi nagawang mahulaan ang winning combination ay 27-55-48-54-31-03 na may jackpot prize na P67.2 milyon.

Habang hindi rin naiuwi ang Mega Lotto 6/45 jackpot na P53.3 milyon na may winning combinations na 18-36-11-19-05-04.

Samantala, ang iba pang mga panalong numero para sa digit na laro ay 3-4-6-0 para sa 4D Lotto, 2-5-6 para sa 3D Lotto, at 03-01 para sa 2D Lotto. RNT

Previous articleTiktok ‘di ipagbabawal sa PNP
Next articleKumakalat na nag-aalok ng pekeng scholarship online ibinabala ng DepEd