Home HOME BANNER STORY Pinahigpit na departure protocols, suporta ni PBBM – DOJ

Pinahigpit na departure protocols, suporta ni PBBM – DOJ

285
0

MANILA, Philippines – Suportado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pinatinding hakbang ng mga ahensya ng pamahalaan laban sa human trafficking.

Sinabi ni Justice spokesperson Mico Clavano na kinakailangan ipatupad ang mas mahigpit na Departure Protocols upang mapanatili ng Pilipinas ang Tier 1 status mula sa 4-tier system ng Estados Unidos kaugnay sa paglaban ng bansa para masugpo ang human trafficking.

Sinabi ni Clavano na nagbigay na ng mahigpit na kautusan ang Pangulo na tiyakin na mapanatili ang Tier 1 ranking ng Pilipinas.

Dahil dito suportado ng Pangulo ang lahat ng aspeto at programa ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) partikular ang revised Departure Protocols.

Binigyan-diin ni Clavano na mapapanatili ng bansa ang Tier 1 ranking dahil sa revised protocols.

Nakikipag-ugnayan na rin ang DOJ sa mga bansa sa Southeast Asia para labanan ang human trafficking.

Kabilang sa itinuturing na hotspots ay Thailand, Myanmar, Cambodia, at Laos.

Ipinunto ni Clavano na 10 porsyento ng populasyon ng Pilipinas ay nag-aasam na makabiyahe at maghanap ng trabaho sa ibang bansa. Teresa Tavares

Previous articleHigit 21M estudyante, enrolled na! – DepEd
Next article3 tanod sa Cainta patay sa pamamaril

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here