Home NATIONWIDE Pinakabagong insidente sa Bajo de Masinloc nilinaw ng PCG

Pinakabagong insidente sa Bajo de Masinloc nilinaw ng PCG

MANILA, Philippines- Sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) na hindi masasabi na pinaigting ng China ang tensyon dahil ang pinakabagong insidente ng harassment malapit sa Bajo de Masinloc ay nangyari bago ang kasunduan ng Pilipinas at China na pahupain ang tenyon sa West Philippine Sea.

Ayon kay PCG spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, merong pag-uusap na naganap noong Enero 17 kung saan ang parehong partido ay napiling hindi tumindi ang tensyon sa pagitan ng Pilipnas at China.

Sinabi ni Tarriela na ang nangyaring insidente kung saan binabawi ng CCG ang mga nakuhang kabibi ng mga mangingisdang Pilipino sa Zambales ay nangyari noong Enero 12, limang araw bago ang pag-uusap kaugnay sa pagpapahupa  ng tensyon sa WPS.

Aniya, habang nangongolekta ng seashells ang mga mangingisda, nagpadala ng rubber boat ang CCG sakay ang limang CCG personnel at sinabihan ang mga mangingisda na ibalik ang nakuhang kabibi.

Ayon sa opisyal, kinukuha pa ng PCG ang salaysay ng mga mangingisda.

Dagdag pa g opisyal, ang ahensya ay nakikipag-ugnayan sa Bureau of Fisheries at Aquatic Resources (BFAR) sa pagsubaybay sa mga ganitong sitwasyon.

Sa mga pag-uusap na ginanap sa Shanghai para sa isang regular na bilateral consultation meeting noong nakaraang linggo, sina Philippine Foreign Affairs Undersecretary Theresa Lozano at Chinese Assistant Foreign Minister Nong Rong ay nagkaroon ng tapat at produktibong mga talakayan upang mabawasan ang sitwasyon sa South China Sea.

Sumang-ayon din ang magkabilang panig na mahinahong harapin ang mga insidente kung mayroon man sa pamamagitan ng diplomasya, ayon sa Department of Foreign Affairs.

Napagkasunduan din nila na patuloy na ang patuloy na pag-uusap ay mahalaga upang mapanatili ang kapayapaan at katatagan sa dagat. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleP132M ilegal na droga nasamsam ng awtoridad sa pagpasok ng 2024
Next articleRecto itinalagang Cabinet rep sa Monetary Board ng BSP