Home HOME BANNER STORY Pinakalat na floating barriers sa Masinloc pinagtanggol ng Tsina

Pinakalat na floating barriers sa Masinloc pinagtanggol ng Tsina

MANILA, Philippines – SINABI ng ​China na kailangan nitong maglagay ng floating barriers sa Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal).

Binigyang katuwiran naman ni Mao Ning, China’s Foreign Ministry spokesperson ang naging hakbang na ito ng Beijing, tugon sa serye ng hakbang ng Pilipinas sa katubigan na sinasabing lumabag sa soberanya ng Tsina.

Nagsasagawa naman ang Philippine troops ng legal operations, kabilang na ang maritime patrol, sa Bajo de Masinloc at iba pang bahagi ng West Philippine Sea.

“China is compelled to take necessary measures to firmly safeguard its territorial sovereignty and maritime rights and interests,” ayon kay Mao.

“Huangyan Dao [Bajo de Masinloc] has always been China’s territory,” aniya pa rin.

Nauna rito, sinabi ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson Commodore Jay Tarriela, Pebrero 15 nang nakita sa satellite images ang inilagay ng CCG na floating barriers ngunit naalis ito nang magbigay ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ng suplay sa mga mangingisdang Pilipino sa lugar.

Batay din sa satellite images na kanilang sinusubaybayan, inaabangan ng CCG ang mga barko ng Philippine Coast Guard na magtatangkang pumasok sa lagoon sa Bajo de Masinloc.

Giit ni Tarriela, ang ginagawa ng CCG ay isang iligal na aksyon dahil pangunahing apektado dito ay mga Pilipinong mangingisda at sa kabila naman ng panibagong development na ito sa naturang karagatan, patuloy pa ring iniuulat ng mga Pilipinong mangingisda ang mga insidenteng kinasasangkutan ng mga dayuhan sa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

Kung matatandaan, una nang naglagay ng tinatayang 300-meter-long floating barrier ang China noong Setyembre ng nakalipas na taon sa timog-silangang bahagi ng Bajo de Masinloc para pigilan ang mga mangingisdang Pilipino na makapasok sa lugar.

Pero tinanggal ito ng PCG dahil ito ay panganib sa paglalayag at isang malinaw na paglabag sa international law. Kris Jose

Previous articleTinaguriang Marcos dummies wagi na naman sa Sandiganbayan
Next articleSerena alay ni Gloc 9 sa beking anak!