Home NATIONWIDE Pinakamahabang araw ng taon magaganap sa Hunyo 21 – PAGASA

Pinakamahabang araw ng taon magaganap sa Hunyo 21 – PAGASA

MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) na ang June solstice, kilala rin bilang “summer solstice,” ay magaganap sa Biyernes, Hunyo 21.

Ayon sa PAGASA, sa nasabing astronomical event, nararanasan ang pinakamahabang araw at pinamaiksing gabi ng taon sa northern hemisphere—”when the Sun reaches its highest point in the sky.”

Sa solstice, ang posisyon ng araw ay “directly overhead at a declination of 23.5°N, positioned within the constellation of Cancer,” paliwanag nito.

“This positioning signals the onset of summer in the northern hemisphere and winter in the southern hemisphere, according to astronomers,” dagdag ng ahensya.

Subalit, ang aktuwal na tagal ng araw ay magkakaiba sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Para sa Metro Manila, sisikat ang araw ng alas- 5:28 ng umaga at lulubog ng alas-6:27 ng hapon. RNT/SA