Home NATIONWIDE Pinakamainit na araw sa Milan sa loob ng 260 taon, naitala!

Pinakamainit na araw sa Milan sa loob ng 260 taon, naitala!

ITALY – Naitala ng Milan, Italy ang pinakamainit nitong araw sa nakalipas na 260 na taon, ayon sa Lombardy regional environmental protection agency nitong Biyernes, Agosto 25.

Ayon sa ARPA, ang average temperature sa nasabing araw ay 33 degrees Celsius, o 0.2 degrees na mas mataas sa rekord na 32.8 degrees Celsius noong Agosto 11, 2003.

Nagsimulang ang temperature data recordings ng Brera station sa Milan noong 1763.

Ang Lombardy regional capital ang isa sa maraming mga lungsod sa Italy na inilagay sa red heat alert nitong Miyerkules. RNT/JGC

Previous articleMga pinatumbang puno ni Egay gagawing upuan, aprub sa DepEd
Next articlePagudpud kukuha ng mga nars sa rural barangays