MANILA, Philippines- Naranasan sa San Jose sa Occidental Mindoro ang pinakamataas na heat index sa bansa na 53 degrees Celsius (°C) nitong Miyerkules, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Naitala ang 53°C heat index dakong alas-12 ng tanghali nitong Miyerkules, na mas mataas pa sa 50°C heat index na naiulat sa Legazpi City, Albay noong Mayo 12.
Base sa PAGASA, itinuturing ang isang lugar na may heat index na 52°C pataas na nasa “extreme danger” dahil “heat stroke is imminent.”
Samantala, nanguna ang Borongan, Eastern Samar sa listahan ng mga lugar na may pinakamataas na daily heat index nitong Huwebes, sa 47°C.
Ang heat index ranging mula 42°C hanggang 51°C ay may dalang “danger,” dahil “heat cramps and heat exhaustion are likely,” at “heat stroke is probable with continued activity,” batay sa PAGASA. RNT/SA