Home NATIONWIDE Pinakamatandang political prisoner, pakawalan na – grupo

Pinakamatandang political prisoner, pakawalan na – grupo

362
0

MANILA, Philippines – Nananawagan sa Korte Suprema ang political prisoners support group na Kapatid na pakawalan na ang 83-anyos na political prisoner na si Gerardo Dela Peña.

Si Dela Pena ang itinuturing na pinakamatandang political prisoner sa bansa.

“Ngayon, hinihiling namin sa Supreme Court na pabilisin ang approval at promulgation ng Writ of Kalayaan, i-convene ang technical working groups ulit para mapabilis ang proseso,” pahayag ni Kapatid spokesperson Fides Lim.

Nagpaabot din ng liham ang Kapatid kay
Chief Justice Alexander Gesmundo na humihiling ng “active intercession” nito sa pagpapalaya kay Dela Peña.

Ani Lim, nagsama na sila ng liham mula sa
Board of Pardons and Parole na nagpapakitang ang papel ni Gerardo ay hinahawakan.

“Ikalawa, hinihiling namin na tulungan kami ng Supreme Court para sa pagpapalaya… ni Gerardo dela Peña, 83 years old at pinakamatandang political prisoner sa buong Pilipinas,” sinabi ni Lim. RNT/JGC

Previous articleP600K tinangay ng kawatan sa ahente ng palay
Next articleKampo ni Teves naghain ng mosyon vs 2019 killings charges

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here