Home NATIONWIDE Pinalawig na tapyas-taripa sa agri products aprub sa NEDA

Pinalawig na tapyas-taripa sa agri products aprub sa NEDA

SINABI ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan na ang kamakailan lamang na inaprubahang ekstensyon ng binawasang tariff rates sa imported key agricultural commodities ay nakikitang makapagpapanatili sa inflation sa susunod na taon sa gitna ng banta ng El Niño at African Swine Fever (ASF).

Nauna rito, inilabas ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang Executive Order (EO) 50, kung saan mananatiling mababa ang taripa o buwis ng imported na baboy, bigas at mais hanggang Disyembre 31, 2024.

“The new EO extends the validity of the modified tariff rates under EO 10, which is set to expire on Dec. 31, 2023. With the latest order, the tariff rates for pork will remain at 15% in-quota and 25% out-quota, corn at 5% in-quota and 15% out-quota, and rice at 35% both in-quota and out-quota until the end of 2024,” ayon sa ulat.

Sa kabilang dako, sa isang kalatas, sinabi naman ni Balisacan na ang ekstensyon ay “will help reduce the risks and alleviate the inflationary pressures caused by the onset of El Niño, the worsening effects of African Swine Fever (ASF), and external pressures such as geopolitical tensions and export bans imposed by some countries.”

Binigyang diin pa rin ni Balisacan ang kahalagahan na pag-iba-ibahin ang market sources upang matiyak ang sapat at abot-kayang food supply sa Pilipinas.

“While the swine flu, production shortfall in corn, and estimated supply deficit in rice drove price increases in these commodities for this year, additional meat importation played a crucial role in reducing meat inflation to -1.2% in September 2023, down from 21% in 2021,” ang wika ni Balisacan.

“In addition, the reduction on tariff rates had pulled down corn inflation and broadened market sources for rice, mitigating the impact of elevated inflation in September of this year,” aniya pa rin.

Samantala, dismayado naman ang grupo ng mga magbababoy sa desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na palawigin pa ang mababang buwis sa mga imported na baboy na posibleng makaapekto sa negosyo ng mga local hog raisers sa bansa.

Ayon kay Philippine Pork Producers Federation President Nonon Tambago, ilang executive orders na ang inilalabas ng Malakanyang subalit hindi pa rin kaya ng bulsa ng mga mamimili ang presyo ng baboy.

Sinabi ni Tambago na ang ‘extension’ ay makakaapekto sa negosyo ng mga local hog raiser matapos pumalo sa P175 kada kilo ang farmgate price.

Sa ngayon ayon kay Tambago, nasa P350 per kilo ang presyo ng baboy.

Nakikitang solusyon ni Tambago ay pagsasaayos sa presyo ng farmgate at retail prices at hindi ang pagbibigay ng pabor sa mga importers at traders. Kris Jose

Previous articleTask force vs bird flu binuo ng FDA
Next article86-anyos na PDL pinalaya