
MANILA, Philippines- Makatatanggap ang Pilipinas mula sa Japan ng 600 million yen para sa coastal radar system na magpapahusay sa maritime awareness capabilities ng Navy.
Kabilang ang Official Security Assistance grant na nagkakahalaga ng tinatayang P235.5 million sa kasunduang nilagdaan sa Malacañang sa pagbisita ni Japanese Prime Minister Kishida Fumio sa Manila.
Ilan pa sa mga tinintahang kasunduan sa presenya nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Kishida ang mga sumusunod:
Exchange of Notes ukol sa probisyon ng construction equipment para sa Road Network Improvement/Implementation and Disaster Quick Response Operation sa ilalim ng Economic and Social Development Programme;
Memorandum of Cooperation in the field of Tourism; at
Memorandum of Cooperation on Mining Sector sa pagitan ng Department of Environment and Natural Resources ng Republic of the Philippines at ng Ministry of Economy, Trade and Industry ng Japan. RNT/SA