Home OPINION PINAS DAPAT MAKISABAY SA NUCLEAR ENERGY

PINAS DAPAT MAKISABAY SA NUCLEAR ENERGY

MAITUTURING na henyo kung usaping kalakalan ang ikakabit sa pangalan ng matagumpay at maimpluwensiyang negosyanteng si Manuel V. Pangilinan o MVP.

Kaya nga sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis, nasabi ni MVP na ang magiging susi sa pagbabago sa enerhiya ng Pilipinas ay ang paggamit ng nuclear energy na tugon sa matatag, ligtas at sustainable na pagkukunan ng enerhiya.

Ayon kay Pangilinan, hindi kailangang umasa sa langis tulad ng krudo o gasolina upang magkaroon ng matagalang supply ng kuryente sa bansa lalo na ngayong walang humpay ang pagtaas ng presyo nito sa pandaigdigang merkado.

Bukod pa sa malaki ang magiging tulong ng nuclear energy upang mabawasan ang masamang epekto ng global warming na dulot ng polusyong mula sa carbon.

Sa pamumuno ni MVP, pinag-aaralan at pinapalakas ang mga inisyatibo ng magdadala ng nuclear technology sa bansa kasama na rito ang training program tulad ng FISSION scholarship program, seminar, pag-aaral at kooperasyon sa mga international agencies na eksperto sa nuclear energy.

Ang pangarap ni Manny Pangilinan ay hindi lamang para sa kasalukuuyan kundi para sa mga susunod pang henerasyon.

Sa pamamagitan ng nuclear energy, maaring masiguro ng Pilipinas na magkakaroon ng sapat, ligtas at malinis na kuryente para sa lahat.

Sa ngayon, mayroon na ring  pre-feasibility study para sa pagde-develop ng mga micro modular reactors  o MMR sa Pilipinas.

Ang suporta ni MVP sa exploration ng nuclear power sa bansa ay kanyang inihayag sa Giga Summit on Sustainable Energy, Efficiency and Future Grid 2023.

“ We are indeed in favor of exploring nuclear power” pahayag ni MVP.

Aniya, sinimulan na nila ang prefeasibility na tatagal nang tatlong buwan habang ang deasibility draw list ay tatagal naman ng siyam na buwan.

Ayon pa sa business genius, mas maliit  ang capacity ng micro modular reactor o MMR kumpara sa small modular reactors (SMR) na umaabot lamang sa 5 hanggang 15 megawatts na ideal para tugunan ang island provinces, island cities at data centers.

Giit pa ni MVP, hindi lang 24/7 na supply ng kuryente ang dulot ng nuclear energy subalit maging sapat na suplay ng tubig kaya mawawalan ng problema ang Pilipinas kaugnay sa suplay ng enerhiya.

Paglilinaw ni MVP, habang patuloy ang pag-aaral sa nuclear energy, dapat  tandaan na ito ay isang “sangkap” lamang at ang tagumpay nito ay nakadepende sa tamang paggamit at regulasyon.

Sa pamumuno ni MVP, malaki ang pagasa na magiging handa ang bansa sa mga pagbabagong dulot ng nuclear energy.

 

Previous articleHOME LOANS NG PAG-IBIG FUND, TUMAAS NG 6%
Next articleShear line, Amihan magpapaulan sa ilang bahagi ng Luzon