Home HOME BANNER STORY Pinas ‘di tumanggi sa Japan-US-Australia joint drill sa SCS – AFP chief

Pinas ‘di tumanggi sa Japan-US-Australia joint drill sa SCS – AFP chief

MANILA, Philippines – Itinanggi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief General Romeo Brawner Jr. ang ulat na tinanggihan ng Pilipinas na lumahok sa trilateral naval drill ng Japan, United States, at Australia sa South China Sea.

“‘Yung nabasa po natin sa Kyodo News ngayon ay vine-verify pa rin natin sa ating counterpart sa Japan, US, at Australia. Kung meron man po silang activities na ganun ay hindi po tayo informed,” ani Brawner sa interbyu ng Dobol B TV.

“Hindi po totoo ‘yun na nag-decline tayo. Actually, ang ibig po nilang sabihin is that hindi tayo sumama o nag-commit ng barko,” paliwanag pa niya.

Sa ulat ng Kyodo, nakasaad dito na ang Japan Maritime Self-Defense Force ay magpapadala ng kanilang “pinakamalaking destroyer” na tinatawag na Izumo. Samantala, ang Royal Australian Navy at ang US Navy, ay inaasahang magpapakalat ng kanilang mga amphibious assault ship na Canberra at America, ayon sa pagkakabanggit.

Ayon sa ulat, “kinansela” ng Pilipinas ang kanilang paglahok sa joint drill dahil ang mga sasakyang panghimpapawid ng tatlong iba pang mga bansa ay “masyadong malaki upang dumaong sa mga deck ng mga barkong pandigma ng Pilipinas.”

Sinabi ni Brawner na talagang may plano ang Pilipinas na magsagawa ng joint exercises sa ibang mga bansa tulad ng US at Australia.

Ang Japan, Australia, at US ay kabilang sa mga bansang kinilala ang 2016 arbitration ruling sa isang 2013 case na isinampa ng Pilipinas. Pinawalang-bisa ng desisyon ang nine-dash line claim ng China sa buong South China Sea. RNT

Previous articleP65M lotto jackpots ‘di napanalunan – PCSO
Next articleIsyu ng pagpapatanggal ng BRP Sierra Madre sa Ayungin paiimbestigahan ng Makabayan