Home NATIONWIDE Pinas, iba pang Indo-Pacific partners aasistihan ng USCG vs illegal sea activities

Pinas, iba pang Indo-Pacific partners aasistihan ng USCG vs illegal sea activities

MANILA, Philippines- Committed ang United States Coast Guard (USCG) na tulungan ang Pilipinas at iba pang Indo-Pacific partners na magkaroon ng kakayahan para kontrahin ang “illegal activities” sa loob ng kanilang katubigan.

Sa isang telephone briefing, araw ng Miyerkules, sinabi ni USCG Commandant Admiral Linda Fagan na nakikita ng USCG ang partnerships nito sa mga estado na tumulong sa promosyon ng rules-based order sa mas malawak na Indo-Pacific region.

“[T]he Coast Guard as we operate, it’s in accordance with the agreed international order, rule of law, the conducts and codes that govern how mariners and military vessels operate and conduct themselves at sea,” ang sinabi ni Fagan sa mga mamamahayag.

“And we will continue to operate and engage that way as a demonstration of sort of the importance of rule of law and ensuring that nations have capacity and capability to counter illegal activities or other encroachments of sovereignty,” dagdag na wika nito.

Gaya na lamang ng nakaraang taon, nakagawa ng kasaysayan ang USCG nang bisitahin ni USCGC Frederick Hatch (WPC 1143) ang partners nito sa Tacloban noong Oktubre.

Noong panahong iyon, tinalakay ng team mula sa US Coast Guard District 14 at US Coast Guard Forces Micronesia/Sector Guam kasama ang US Embassy in Manila ang “mutual capabilities, training opportunities, at community engagement” sa pagitan ng dalawang estado.

Habang sa Tacloban, ang crew, may suporta mula sa Maritime Security Response Team West, ay nag-host ng isang paksang may kinalaman sa ‘expert exchange’ ukol sa maritime law enforcement kasama ang Philippine Coast Guard colleagues. Kris Jose

Previous articleIlang NAIA flights naantala sa humintong C-130 aircraft
Next articleAllen, naawa kay Jiro!