Home HOME BANNER STORY Pinas ika-30 bansa na may ‘most breached accounts’ noong 2023 – pag-aaral

Pinas ika-30 bansa na may ‘most breached accounts’ noong 2023 – pag-aaral

MANILA, Philippines- Pumwesto ang Pilipinas sa ika-30 mula sa 163 bansa sa pinakamaraming account na na-hack noong 2023, ayon sa pag-aaral ng cybersecurity company Surfshark na inilabas nitong Huwebes.

Base sa datos ng Surfshark, ang Pilipinas ay mayroong 705,470 breached accounts noong 2023, na mas mababa kumpara sa 1,369,604 na naitala noong 2022.

Dahil dito, nag-improve ang bansa mula sa 26th ranking noong 2022, base sa pag-aaral.

Ukol naman sa breach density o bilang ng leaked accounts kada 1,000 residente, bumuti rin ang ranking ng Pilipinas mula ika-70 sa ika-77 pwesto.

Sa kasalukuyan ay wala pang komento ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ukol dito.

Nagaganap ang data breach kapag nalalantad ang confidential at sensitive data sa unauthorized third parties, base sa Surfshark.

“In this study, we treat every breached or leaked email address used to register for online services as a separate user account, which may have been leaked with additional information, such as password, phone number, IP address, zip code, and more,” paliwanag ng Surfshark.

Nanguna ang mga sumusunod na bansa sa listahan ng pinakamaraming bilang ng breached accounts:

  • USA (96.7 million)

  • Russia (78.4M)

  • France (10.5M)

  • Spain (7.8M)

  • India (5.3M)

  • Taiwan (4M)

  • Australia (3.5M)

  • Italy (3.4M)

  • United Kingdom (3.3M)

  • Brazil (3.3M)

Samantala, ang mga bansang may pinakamababang bilang ng breached accounts ay Guinea-Bissau, Eritrea, Burundi, Mauritania at Lesotho.

Noong 2022, ikalawa ang China (34M) sa most breached online accounts subalit napalipat sa 12th place (2.6M) noong 2023. RNT/SA

Previous articleCALAX maniningil ng toll sa Silang Interchange mula Peb. 10
Next articlePBBM: Cha-cha ‘gang economic provisions lang