Home NATIONWIDE Pinas, ika-53 sa global democracy index

Pinas, ika-53 sa global democracy index

MANILA, Philippines – PUMWESTO ang Pilipinas sa pang-53 mula sa 167 bansa at teritoryo sa 2023 Democracy Index ng London-based think tank Economist Intelligence Unit (EIU).

Nakaiskor ng 6.6 mula 10, ang Pilipinas ay nananatiling nasa ilalim ng “flawed democracy” category noong 2023.

Ang EIU ay ang research and analysis division ng ‘The Economist Group’, nangungunang pinagmumulan ng international business at world affairs information.

Sa Democracy Index, masusing sinuri ng think tank ang kalagayan ng global democracy base sa limang kategorya gaya ng “electoral process and pluralism, functioning of government, political participation, political culture, at civil liberties.”

Ikinakategorya naman nito ang mga bansa at teritoryo sa apat na uri o klase ng rehimen o pamamahala base sa kanilang iskor. Tinukoy nito ang “full democracy, flawed democracy, hybrid regime, o authoritarian regime.”

Nakaiskor ang Pilipinas ng “9.17 sa electoral process at pluralism; 4.64 sa functioning of government; 7.78 sa political participation; 4.38 sa political culture; at 7.35 sa civil liberties,” nagresulta sa “flawed democracy” category o kabilang sa mga bansa kung saan ang eleksyon ay patas at malaya at kinikilala ng basic civil liberties subalit mayroong ilang isyu.

Ayon sa EIU, tumaas ang bilang ng demokrasya ng 2 hanggang 74 noong 2023 subalit ang “year was not an auspicious one for democracy”.

“The global average index score fell to 5.23, down from 5.29 in 2022. This is in keeping with a general trend of regression and stagnation in recent years, and it marks a new low since the index began in 2006,” ayon sa EIU.

Sinabi pa rin nito na “world’s democracies seem powerless to prevent wars from breaking out around the globe and less adept at managing conflict at home”.

“In 2023 wars in Africa, Europe, and the Middle East caused immense suffering and undermined prospects for positive political change. As US hegemony is increasingly contested, China vies for global influence, and emerging powers such as Saudi Arabia and Turkey assert their interests, the international order is becoming more unstable,” ayon sa EIU.

“Meanwhile, even the world’s most developed democracies are struggling to manage political and social conflict at home, suggesting that the democratic model developed during the eight decades after the second world war is no longer working,” dagdag na pahayag ng EIU.

Idagdag pa rito, sinabi ng EIU na “half a dozen other countries classified as ‘flawed democracies’ are facing internal conflicts, including gang warfare, of greater or lesser severity, including Brazil, Colombia, Indonesia, Jamaica, the Philippines, and Thailand, with the number of deaths annually exceeding 100—by a wide margin in some places”.

Nananatili namang “top country” ang Norway na mayroong full democracy sa global rankings. Sumunod ang New Zealand, Iceland, Sweden, at Finland.

Samantala, patuloy namang lumalaban ang Ukraine para mapabuti ang kalagayan ng demokrasya nito habang ang Russia naman ay nagpapatuloy na dumadausdos tungo sa kagyat na diktadura habang tumitinding naman ang paglalansag sa lahat ng uri ng sumasalungat. Kris Jose

Previous articleTserman, itinumba sa kalsada
Next articlePlastic palit bigas at sardinas inilunsad ng isang parokya sa Pasay