MANILA, Philippines – Plano ng Kuwaiti at Philippine governtment na magsagawa ng dayalogo kasunod ng pagsuspindi sa deployment ng first-time overseas Filipino workers (OFWs) sa Saudi Arabia.
Ang pag-uusap ay gaganapin sa joint committee meeting (JCM), na nilikhang dalawang estado sa ilalim ng 2018 agreement sa employment ng mga domestic worker.
Nitong Sabado, sinabi ng Embahada ng Pilipinas na nagpahayag ng pagkabigo ang Kuwait sa desisyon ng Department of Migrant Workers (DMW) at ipinarating ang pagnanais ng Kuwait na lutasin ang usapin sa lalong madaling panahon.
Sa isang pulong noong Pebrero 9 kasama ang Assistant Foreign Minister ng Kuwait for Asia Affairs na si Sameeh Essa Johar Hayat noong ipinaliwanag ni Embassy Chargé d’Affaires a.i. Jose Cabrera III, nalalapat lamang ang suspensiyon sa mga domestic worker na hindi pa nagtatrabaho sa Kuwait.
Sinabi ni Cabrera kay Hayat na pinag-aaralan ng DMW ang reporma at hakbang upang masiguro ang kapakanan at kaligtasan ng domestic workers partikular ang mga idinedeploy sa Kuwait para sa first time.
Samantala, dalawang diplomats ang sumang-ayon na pagbutihin ang relasyon ng Philippine-Kuwait sa pamamagitan ng pagtaas ng pakikipag-ugnayan.
Sa pamamagitan ng Advisory No.5, sinuspindi ng DMW ang deployment sa first-time OFWs patungong Kuwait.
Inilabas ang abiso noong Pebrero 8 , ilang linggo matapos ang brutal na pagpatay sa domestic worker na si Jullebee Ranara na natagpuan ang mga labi sa gitna ng disyerto. Jocelyn Tabangcura-Domenden