MANILA, Philippines- Magbibigay ang Pilipinas ng $100,000 tulong para sa Turkey earthquake victims sa pamamagitan ng Disaster Relief and Rehabilitation Initiative ng House of Representative Speaker.
Base kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez, ang pera ay regalo at simbolo rin ng pasasalamat ng Pilipinas sa Turkey sa pagtulong sa Leyte, at maraming bahagi ng Eastern Samar noong November 2013 – nang hagupitin ni Bagyong Yolanda (international name: Haiyan) ang ilang bahagi ng bansa, kung saan hindi bababa sa 6,000 indibidwal ang nasawi.
Magugunitang niyaning ng magnitude 7.8 earthquake ang central Turkey at Syria noong nakaraang linggo. Sa kasalukuyan, hindi bababa sa 28,000 ang nagtamo ng sugat sa nasabing sakuna.
“The assistance extended by Turkey, the United States, and our allies and friends abroad helped ease the pain and suffering of our people,” pahayag ni Romualdez nitong Linggo.
Sinabi ng Speaker na magmumula ang $100,000 humanitarian aid mula sa Disaster Relief and Rehabilitation Initiative ng kanyang opisina na inilunsad sa pagdiriwang ng kanyang ika-59 taong kaarawan noong November 14, 2022.
Sinabi ni Romualdez na nakatakdang i-turn over ang $100,000 kay Turkey Ambassador to the Philippines Niyazi Evren Akyol at kanyang asawang si Inddri Puspitarasi ngayong Lunes sa kanyang opisina sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City. RNT/SA