Home NATIONWIDE Pinas makatatanggap ng 300K pang bivalent COVID-19 vax

Pinas makatatanggap ng 300K pang bivalent COVID-19 vax

68
0

MANILA, Philippine- Makatatanggap ang Pilipinas ng karagdagang 300,000 bivalent COVID-19 vaccines mula sa hindi pa pinapangalanang bansa, ayon sa Department of Health nitong Martes.

Dahil sa nasabing donasyon, aabot na sa 1.4 milyon ang kabuuang bilang ng modified jabs ng bansa, base kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire sa isang press briefing.

Halos 1  milyong doses ng omicron-targeting vaccines mula COVAX facility, ang United Nations-backed international vaccine-sharing scheme, ang inaasahang dadating sa Manila sa katapusan ng Marso.

“Meron ding isang bansa, which we cannot name for now because the agreements are being finalized, pero magbibigay naman sila ng additional 300,000 plus na doses,” pahayag niya.

“In all, sa ngayon, meron na tayong concrete na plano para po dito sa almost 1.4 million doses of bivalent [vaccines],” dagdag ng opisyal.

Kinukumpleto na ng DOH ang mga alituntunin sa paggamit ng bivalent vaccines.

Nauna nang sinabi ng ahensya na ituturok nito ang unang batch ng bivalent vaccines sa vulnerable groups gaya ng healthcare workers, senior citizens at individuals with comorbidities.

Sa kasalukuyan, halos 73.8 milyong Pilipino ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.

Sa bilang na ito, 21.3 milyon ang naturukan ng unang boosters habang mahigit 3.8 milyon ang nabakunahan na ng second boosters.

Hanggang nitong Feb. 6, ang Pilipinas ay mayroong 9,338 active COVID-19 cases.

Mula nang magkaroon ng pandemya, nakapagtala na sa bansa ng 4,073,851 infections, okung saan mahigit 65,865 ang nauwi sa kamatayan. RNT/SA

Previous article2 wanted Japanese nationals na sangkot sa ‘crime ring’, na-deport na
Next articleUS trip ni Malia, kinansela ni Pokwang!