Home NATIONWIDE Pinas masusing nakasubaybay sa US presidential race — envoy

Pinas masusing nakasubaybay sa US presidential race — envoy

MANILA, Philippines – MAHIGPIT na nakasubaybay ang Pilipinas sa US presidential race para kagyat na makita ang anumang pagbabago sa liderato bilang oportunidad na baguhin ang pagpapalakas ng alyansa sa pagitan ng dalawang bansa.

Pinaigting naman ang security engagements sa pagitan ng defense treaty allies sa ilalim ni US President Joe Biden at sa counterpart nito na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kasama ang ibang lider na masigasig na kontrahin ang nakikita nitong agresibong aksyon ng Tsina sa South China Sea at kalapit na Taiwan.

Ang Pilipinas, dating US colony, ay itinuturing na closest ally ng Washington sa Southeast Asia at ang proximity nito sa Taiwan ay mahalaga sa pagsisikap ng Estados Unidos na kontrahin ang pananalakay ng Tsina sa democratic island na sa tingin nito ay kanilang sariling teritoryo.

“The only challenge that we face, especially for us in the embassy in Washington DC, is what happens in November. It’s a concern for every country who would be the next president … everybody is preparing for that,” ayon kay Ambassador Jose Manuel Romualdez.

Sinasabing maaaring harapin ni Biden si Donald Trump, Republican frontrunner para maging presidential candidate ng partido, sa isang rematch sa presidential election sa Nobyembre.

“Any change is always something that we welcome,” dagdag na pahayag ni Romualdez.

“It gives us an opportunity to renew what we’ve already been saying, that our relationship with the United States is an important one, we value it, and we really hope that this is the same feeling that they have for us,” aniya pa rin. Kris Jose

Previous articleAño sa Tsina: Maritime security target ng PH-US air patrols, ‘di gulo
Next articleNatitirang ST Nikolas crew palalayain ng Iran kapag mapalitan – DFA