Home NATIONWIDE Pinas may 113 bagong COVID-19 cases

Pinas may 113 bagong COVID-19 cases

MANILA, Philippines- May kabuuang 113 bagong COVID-19 cases ang naitala ng Department of Health nitong Huwebes, na nagdala sa nationwide caseload sa 4,109,404.

Makikita rin sa bulletin na umabot na ang active cases sa 2,757, sa ikatlong sunod na araw ng mahigit 2,000 aktibong kaso. Nadagdagan din ang bilang ng mga gumaling ng 95 kaso sa 4,040,099, habang nananatili ang death toll sa 66,661.

Pinakamarami pa rin ang bagong impeksyon sa nakalipas na 14 araw sa National Capital Region sa 403 cases, sinundan ng Calabarzon sa 186, Central Luzon sa 179, Davao Region sa 104, at Western Visayas sa 99.

Mayroong 3,679 indibdiwal na sinuri, habang 308 testing labs ang nagsumite ng datos nitong Miyerkules.

Ang bed occupancy ay 12.5%, 19,546 ang bakante habang 2,790 ang okupado. RNT/SA

Previous article‘Goring’ bahagyang lumakas; Signal No. 1 itinaas sa 4 lugar
Next articleNIA acting chief aminado sa korapsyon sa ahensya