MANILA, Philippines- Kinumpirma ng Department of Health ang 115 bagong COVID-19 cases sa bansa nitong Martes na nagdala sa national caseload sa 4,119,000.
Ito ang pinakamababang daily total na naitala sa nakalipas na 19 araw, ayon sa ulat.
Bumaba rin ang bilang ng aktibong kaso sa 2,889 mula sa 2,970 kaso nitong Lunes.
Umakyat naman ang total recoveries ng 185 cases sa 4,049,377, habang nakapagtala ng 11 bagong nasawi na nagdala sa death toll sa 66,734.
Nananatili ang NCR bilang rehiyon na may pinakamaraming COVID-19 cases sa nakalipas na 14 araw sa 838, sinundan ng Calabarzon sa 386, Central Luzon sa 202, Davao Region sa 120, at Soccsksargen sa 97.
May kabuuang 2,959 indibidwal ang sinuri nitong Lunes, at 295 testing labs naman ang nagsumite ng datos.
Pumalo ang COVID-19 bed occupancy sa 15.2%, kung saan 3,059 ang okupado at 17,068 ang bakante.
Nauna nang iniulat ng DOH ang 1,146 bagong COVID-19 cases mula Oct. 16 hanggang 22, 2023. RNT/SA