MANILA, Philippines- Nakapagtala ang Pilipinas ng 136 bagong COVID-19 cases nitong Lunes, na nagdala sa kabuuang bilang ng confirmed coronavirus cases sa bansa sa 4,112,799.
Iniulat sa COVID-19 tracker ng Department of Health ang pagtaas ng active cases sa 2,775, pinakamataas sa loob ng 17 reporting days at mas mataas ng 66 kumpara sa mga kaso noong Biyernes, base sa ulat.
Umakyat din ang bilang ng mga gumaling ng 440 kaso sa 4,043,339, habang ang death toll ay 66,685.
Ang National Capital Region ang rehiyon na may pinakamaraming COVID-19 cases sa nakalipas na dalawang linggo sa 678, sinundan ng Calabarzon sa 279, Central Luzon sa 192, Davao region sa 137, at Soccsksargen sa 106.
Pumalo ang COVID-19 bed occupancy sa 13.5% kung saan 2,853 ang okupado habang 18,259 ang bakante. RNT/SA