Home NATIONWIDE Pinas may 1,503 bagong COVID cases

Pinas may 1,503 bagong COVID cases

314
0

MANILA, Philippines- Nakapagtala sa Pilipinas nitong Miyerkules ng 1,503 bagong COVID-19 cases, habang umakyat ang active tally sa 15,514, batay sa pinakabagong datos ng Department of Health (DOH).

Ito ang ikalawang sunod na linggo na nakapag-ulat ng mahigit 1,000 COVID-19 cases rkada araw.

Inihayag ng DOH na ang nationwide case count ay kasalukuyang nasa 4,119,516, habang tumaas ang active tally sa 15,514 mula sa 15,229 nitong Martes.

Nadagdagan din ang recovery tally sa 4,037,549 sa 1,218 karagdagang pasyente na gumaling mula sa viral disease.

Samantala, nananatili ang death toll sa 66,453.

Ang rehiyon na may pinakamaraming bagong kaso sa nakalipas na dalawang linggo ay National Capital Region (NCR) sa 9,619 cases, sinundan ng Calabarzon sa 5,255; Central Luzon sa 1,762; Western Visayas sa 1,241; at Bicol Region sa 791.

Nananatili naman ang bed occupancy ng bansa sa 20.2% kung saan 5,119 beds ang okupado— kabilang ang 2,523 ICU beds—at  20,192 ang bakante, base sa Health Department.

May kabuuang 8,797 indibidwal ang nasuri, habang 319 testing labs ang nagsumite ng datos hanggang nitong Martes. RNT/SA

Previous articleUS envoy bukas sa dayalogo sa mga gobernador ukol sa EDCA sites
Next articleEx-Antique mayor, bagong SBMA chief

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here