MANILA, Philippines- Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang 178 bagong COVID-19 cases nitong Miyerkules, Nov. 15, na nagdala sa kabuuang bilang ng mga kaso sa bansa sa 4,122,291.
Makikita rin sa DOH COVID-19 tracker na walang karagdagang COVID-19-related deaths, kaya naman nananatili ang fatality rate sa 1.6 porsyento.
Base sa datos, mayroong 3,024 active COVID-19 cases ang bansa.
Gayundin, nakapagtala ng 310 bagong recoveries, kumakatawan sa 98.3 porsyentong recovery rate, na may kabuuang 4,052,521 indibidwal na tumalo sa virus.
Hinggil sa availability ng intensive care unit (ICU) beds para sa COVID-19 patients, makikita sa datos na 8.81 porsyento ng 1,952 ICU beds ang kasalukuyang okupado.
Ginagamit din ang non-ICU COVID-19 beds, sa 16.95 porsyento ng 17,607 available beds.
Patuloy ang paalala ng DOH sa publiko laban sa pagiging kampante sa gitna ng banta ng COVID-19.
Binigyang-diin din ng departamento ang kahalagahan ng pagsunod sa minimum health standards, tulad ng wastong pagsusuot ng face masks at pananatili sa well-ventilated areas.
Pinayuhan ng DOH ang mga indibidwal na nakararanas ng COVID-19 symptoms na mag-isolate.
Para sa karagdagang proteksyon, inabisuhan din nito ang publiko na magpaturok ng COVID-19 vaccine at booster sa lalong madaling panahon. RNT/SA